Sabado, Abril 20, 2013

Kilala nyo ba ako?
This Article is written in Filipino, this is the policy of this blog for posting Filipino articles during Saturdays.

Sa panahon ngayon, maraming naitutulong ang kasikatan, sa pulitika na lamang
ay mas nananalo ang mga pulitikong sikat na artista na ang iba naman ay walang kinalaman sa pagsisilbi sa bayan, mga pulitikong sumikat na ang pamilya sa paninilbihan sa pamahalaan at iba pa.

Sino nga ba ang mas nananalo sa isang eleksyon, ang may busilak na puso ngunit hindi gaano sikat at wala masyadong kayamanan upang mangampanya o ang isang ganid na pulitiko na maraming pera at sinabi na ang lahat ng kasinungalingan? Syempre, mananalo kung sino ang sikat, pag sikat ang isang tao siguradong mananalo na siya kaagad. Ano nga kaya ang solusyon dit?, Hanggang ngayon wala pang maaaring makasagot nito, siguro sadyang ganito ang buhay.

Ano nga kaya ang napapala ng mga taong (hindi lang mga pulitiko) na nagpapaskil ng mga tarpaulin, sabihin na natin hindi lamang para sa eleksyon kundi para sa isang achievement. Marami na akong nakikitang ganyan na katiting lamang ang napanalunan ay wagas ang paghahanda ng selebrasyon at kasing laki na ng tarpauline ni Jolibee ang mga ipinapaskil sa mga Plaza. Ano nga ba ang tunay nilang dahilan? Gusto ba nilang malaman ng ibang tao ang kanilang mga naabot na achievement para sila ay tingalain at puriin at SUMIKAT? Ano pa nga ba ang ibang posibleng dahilan kundi para SUMIKAT lamang?

Masasabi natin na ang pangunahing karera sa panahon ngayon sunod sa yaman ay ang KASIKATAN. Bakit  kaya hindi na lang natin ibahagi ang ating mga talento sa ibang paraan, sa maayos na paraan. Hindi natin kailangan MAGPASIKAT upang sumikat sa UTAK ng mga tao. Kailang natin gumawa ng mabuti upang sumikat hindi sa utak kundi sa PUSO ng bawat tao :))).

All picture used in any article belongs to the rightful owner and is not claimed by this blog.
All rights within the article belongs to ANDRE O. MAGPANTAY [LIANG H. YUMASEIKIGI]©
Please don't use without permission of the author, or please do not remove his name on the article. THANK YOU

Mail me: Andre Oriondo Magpantay [Blck. 19 Lot 54-56 Woodstock Homes Rambutan St. Brgy. 12 Nasugbu, Batangas Philippines 4231

email: andremagpantay_gradefive@yahoo.comliang.h.yumaseikigi@gmail.com
contact me: +639546117900
facebook: www.facebook.com/liang.h.yumaseikigi

Rean n' Read 2013
There is a secret beyond Read n' Read

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

I was not born to love Cursed to travel and stay On the peak of the world's highest mountain Up there I saw how the world works But...